Within The Island of Dr. Moro
Inside Rajah_Kulambo's ABnormal school
Lesson Number 1
Instructions:
Read the following essay.
And try to understand it.
If you can't read Tagalog, then study it, I mean the language, first.
I'll give those unable time to do this task - until end of recess...
"Paano Nawala ang Sultanato ng Sulu - Isang Konspiratoryal na Pananaw"
Sinulat ni JAMAAL (al_haqqer)
ESSAY 1
PAANO NAWALA SA MAPA ANG SULTANATO NG SULU?
- ISANG MAIKLING KONSPIRATORYAL NA PANANAW
ni JAMAAL (al_haqqer)
[“Ever True & Loyal Taga-ilog Subject of the Original Sultanate of Sulu”]
Kung paniniwalaan ng isang mambabasa sa kasalukuyan (Taong 2008 Kalendaryong Gregorian) ang marami sa mga nasusulat hinggil sa isang pampulitikal na “entity” na tinatawag noong “Sultanato ng Sulu” o sa wikang Inggles, “Sultanate of Sulu”, malamang na sasagi sa kanyang isipan ang katanungang: “Paano nawala sa mapa ang Sultanato ng Sulu?” Ito ngayon ang nais kong talakayin dito sa maikli at isang pahinang sanaysay. Sinadya kong gawing maikli ito dahil sa paniniwala ko na halos wala nang interes at oras o panahon ang nakararami sa atin sa pagbabasa at pag-iisip : )… Upang mapadali ang talakayan ay gagawin ko na lamang na “itemized” ang malaking bahagi ng sanaysay.
Ang ilan lamang sa mga posibleng kasagutan ay ang mga sumusunod:
1) Walang sistema ng pagmamapa ang mga tau noong unang panahon kaya hindi inilagay o nailagay ang naturang bagay. Hindi nawala bagkus talagang wala sa mapa ito. [Isa pang katanungan: ang konsepto ng “Sultanato ng Sulu” ba ay isang katotohanan o isang mitho (“myth”) – gawa-gawa o kathang-isip lamang? Ito ay nakatali sa iba pang mga katanungan – ang “Estados Unidos” ba ay tutoo o mitho? Ang “Israel” ba ay tutoo o mitho, ang “Republika ng Pilipinas” ba ay tutoo o mitho? Ganoon din ang “Brunei”, “Malaysia”, “Indonesia”, “Sultanato ng Acheh-Sumatra” atbp.
2) Ang mga lumikha ng mga mapa simula’t-sapul ay hindi alam o walang pakialam o ayaw lang talaga sa naturang bagay o ideya. (Hal. dahil kaaway o katunggali sila ng mga taga-Sulu.) Dahil dito, sinadyang hindi ilagay ang “Sultanato ng Sulu” sa kanilang mga ginawang mapa.
3) Ang gumawa ng mga mapa ay ang mga nagpapatakbo ng daigdig at wala sa kanilang plano o interes na magkaroon ng naturang hating-pampulitika o ng natawag na konsepto. At sa kadahilanang sila rin ang may kontrol sa mga paaralan at sa mga institusyong may kinalaman sa pag-aaral, pagsasaliksik, pagsulat at paglilimbag ng mga kasulatang nauukol sa kasaysayan, pulitika, heograpiya at pagmamapa atbp. ay napapaniwala nila ang nakararami [maliban sa iilan na nakaligtas sa “minaling karunungan” marahil dahil sa kamangmangan (hindi nakapasok sa paaralan) o maging kahit dahil lamang sa katigasan ng ulo – sadyang mahirap turuan!] na wala ngang Sultanato ng Sulu. [Tulad ng 2), halatang “loaded” ang isang ito… Konspiratoryal nga!]
4) Sinira ang mga mapang nagpapakita ng nabanggit na lugar. Ginawa ito upang “baguhin ang kasaysayan”. Ito ay ayon sa mas malawak at pang-matagalang plano “nila” para sa daigdig. Ayon daw sa tanyag na ‘physicist” na si Max Planck, “A new scientific truth does not triumph by convincing opponents and making them see the light, but rather because its opponents eventually die, and a new generation grows up that is familiar with it. [A Scientific Autobiography and Other Papers, 1949] Samakatuwid, kapag nangamatay na ang mga taung may nalalaman hinggil sa Sultanato ng Sulu eh wala na ring Sultanato ng Sulu. Para sa kanila, ang Sultanato ng Sulu ay isa lamang konsepto sa kaisipan o ideya sa utak ng iilang tau. Kapag nangawala o nanga-ubos ang mga ito eh wala na ring Sultanato ng Sulu. [Ilan na lang kaya kami?...]
Mahihinuhaan ng isang mambabasa na marami akung pinasasaringan na paksa o konsepto: kasaysayan, konspirasi, katunayan- o katotohanang-pangkasaysayan, mitho, estado, nasyon, bansa, mapa at pag-mamapa atbp. Marami pang katanungan hinggil sa “Sultanato ng Sulu”: Nabubuhay pa ba ito? Sino sa kasulukuyan ang tunay na Sultan ng Sulu? Ano ang papel nito sa daigdig? Subali’t iisa lamang talaga ang mahalagang tinutumbok natin sa sanaysay. Ang tanong talaga ay: ANO ANG TUTOO?
Until The Next Lesson (UNTL)
Wednesday, February 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment